Lahat ng tao sa mundo ay may karanasan. Mga karanasang nagdulot sa atin ng kasiyahan, kalungkutan, pighati at kabiguan.Habang tumatakbo ang panahon lahat ng mga karanasan natin ay nag iiwan ng ng marka sa ating buhay. Minsa ito ay masaya at minsan ay malungkot. Ano nga ba ang karanasang hindi natin malilimutan ? Ako marami na at hindi ko kayang i sulat dito sa dami ng karanasan ko. Minsan nga naalala ko ang mga iyon at habang lumipas ang mga araw ang mga masasakit na karanasang iyon ay tinatawa ko nalang. Ganito talaga ang buhat ng tao, lahat ng masasakit na pangyayari sa iyong buhay ay tatawanan mo nalang kahit masakit.
Ako po si Joshua F. Bautista also known as Juswa o uwa . Ako ay simpleng tao lang. Ang aking pamilya ay malaki pero simple lang ang aming pamumuhay hindi naman kami mayaman hmm sakto2 lang. Lage kami magsasama nuon. Nag tatawanan at nag kukulitan kahit may problemang naranasan, kinakaya namin kahit ano ang unos ang dumating sa buhay namin basta magsamasama pa din kami.
Pero lumipas ang mga ilang taon na masaya lagi ang aking pamilya. Nguni’t ang di namin inaasan-asan ay isang malaki na problema ang darating sa buhay na ganap na susubok sa aming katatagan. Labing pot dalawang gulang pa ako nuon (12 years old) ( Ewan ko sakto ba) at nasa 2nd year high school pa ako. Nang malaman ng doktor na may sakit pala ang aking lolo kami ay nagulat sa aming nalaman. Pero pinilit namin maging masaya para sa aming lolo kasi dahil ayaw naming makita niya na nalulungkot kami para sa kanya upang kahit papano ay mabawasan ang naranasan niyang paghihirap at kalungkutan.
Ilang buwan ang lumipas lumala ng lumala ang sakit ni lolo, bumagsak ang dating masigla na katawan ni lolo at nangayayat na ng husto. Ika-apat ng hunyo 1923. Ito ang araw ng pag silang ni lolo. Pero hindi namin inaasan-asan na kukunin na pala ng diyos ang aming lolo . Sobrang lungot namin ng aking pamilya noon, kasi di naman namin alam na mawawala pala si lolo ng araw na yun. At hindi namin alam na yun na pala ang huling araw ng lolo namin. Kahit papano nararamdaman namin ang lungot ang sakit na nadanas namin noon. Napaluha nalang ako habang tinitingnan ko si lolo na wala ng buhay . Sabi ng lolo ko na magpakabait daw ako at hindi ako magpapasaway sa aking pamilya at hindi rin ako magbibigay ng sakit sa ulo sa pamilya ko yan ang sabi ng lolo sa akin yung araw na nawala siya. At ng inilibing na si lolo noong ika dalawang pot isa ng desyembre 2014. Umiyak ako ng sobra at tinanggap na wala na ang aming lolo. At kung saan man siya naroon ay masaya na siya sa piling ng dakila nating Ama.
Nalaman ko walang permanente sa mundo. Lahat tayo ay lilisanin ang mundong ginagalawan natin ngayon. Hindi man tayo sabay-sabay sa ating pag lisan, masakit man, aksidente man o biglang kamatayan ang dahilan. Maikli lang ang buhay. Dahil sa ating pag lisan ay wala tayong materyal na panghahawakan. Masaya man o malungkot. Ito ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay dahil ang karanasang ito ang ang bubuo sa ating pagkatao.